Posts tagged "salvation"
Yung tipong, mapapaiyak ka na lang nang todo kasi narealize mo kung gaano ka kamahal talaga ni Lord. ‘Yung hindi mo ma-grasp at maintindihan yun, pero damang-dama mo na kasama mo Sya at niyayakap ka Niya sa mga panahong down na down ka.
‘Yung tipong sobrang nakaka-overwhelm yung love Nya, kasi na-realize mo ‘yun yung klase ng pagmamahal na hinahanap mo buong buhay mo kahit hindi ka naman nagkulang ng pagmamahal galing sa ibang tao— ini-strive mo pa rin yung approval ng marami. Pero nung nalaman mo ‘yung tungkol kay Lord, grabe, matagal ka na palang approve sa Kanya. Kahit ilang beses mo Siya binigo, tinalikuran, at pinasawalang-bahala.
Kapatid, mahal ka ni Lord. Kung gaano Nya tayo kamahal, tingin ka lang sa cross. Jesus died on the cross for us. ‘Yun ang true love.