Posts tagged "reblog"
Nag-uumapaw
Minsan nagiging selfish tayo sa pagmamahal. Gusto natin tayo yung higit na nagbebenefit rather than the other way around. Minsan pa takot tayong maubusan ng pagmamahal kaya hino-hord natin lahat. Pero isang bagay ang natutunan ko ngayong araw. Hindi ka magiging gahaman sa pagmamahal at hindi ka matatakot magmahal kung naranasan mong mahalin ng totoo.
Gusto mo bang maranasan ang totoong pagmamahal? Tingin ka sa CROSS dun mo matatagpuan ang pagmamahal na hindi mo kayang i-contain. Sa cross mo malalaman na di mo kelangan ng mga kondisyon para mahalin ang mga taong nasa paligid mo kasi may isang tao na nagmahal sayo ng walang kondisyon. Kapag naintindihan mo ang Dakilang Pag-ibig na ito sayo ng Diyos, di ka na hahanap pa ng iba. Sa Kanya palang satisfied ka na. Add-ons na lang ang iba. Ang mga taong nakaranas ng pagmamahal ng Diyos, kayang-kayang magmahal ng ibang tao. Dahil sa laki at lawak ng pag-ibig na to, di enough ang isang tao para tanggapin ang lahat ng pagmamahal na to na kelangan mong i-share sa iba dahil nag-uumapaw ang pag-ibig na to sa buhay mo.
Ganito ang pag-ibig ng Diyos.
Walang kondisyon.
Walang klasipikasyon.
Walang mapagsidlan.
Walang hanggan.
Walang katapusan.