Posts tagged "friendships"
Words cannot express how happy I am and how much I appreciated everyone’s time last night.
My friends waited for a loooooong time for that, so that meant a lot to me and to them.
7 years. It took me 7 years to finally trust and take a chance again with no fear and doubt. I don’t even know why. Lol. And now I’m scared haha! Chos! So dramatic, haha!
Breakthrough. Bow.
Thank You, Lord!! :D
—-
Though I’m happy, I still feel sad ‘cos my friend and I still haven’t talked a lot lately… It’s my fault, because I forgot to SMS her that night. Ayun, nagtampo. Kahit okay na, sabi niya.. Pero ehh. I wonder how I can make it up to her. :| Kung pwede lang hatiin sarili talaga oh, heh.
His thoughts about friendzoneship, of the question “Why am I stuck in the friendzone?”, and more. Lol. But this makes sense :) True, actually.
I didn’t know what to say because my heart was racing the whole time. I guess I never know what to say to that. I would have said no usually, but…
Episode 4: Finriend Zone mo ako at ang haba ng hair mo, magka-split ends ka sana :’((
Hahaha! This episode. I really had to make a blog out of it no? Haha!
#1: Mong Alcaraz as Johnny Babes. Hahaha! Natawa ako, he and Miggy of Chicosci were my(and my friend’s) band crush back in high school. :))))
#2: Lourd de Veyra as “random pogi guy” A.K.A. the next boyfriend. Hahahaha! Kapag pinakilala ka talaga as, “friend ko..” Boom wasak!
#3: Comment ni Ramon Bautista na, “Wala ka talagang laban sa mga pogi, sa mga magagaling mag-gitara, mga magaling mag-basketball, at sa mga jerk. At higit sa lahat wala kang kalaban-laban sa mga meron lahat ang mga aspetong ito.” His venn diagram made me lulz. And said, “..tiyak ako mababaliw sa’yo ang mga kababaihan.”
So I’m not gonna contest to that because yes, the first three things he said really gets the girls. And the jerk one… well, you really won’t know they’re jerks unless you get to know them and you realize that they are.
May puntos yun, gwapo at talented, pero kung jerk naman.. wag na lang! Sa una lang akala mo okay, pero kung naka-encounter ka na ng katulad nun at nasaktan ka nila.. mare-realize mo na hindi lahat nakukuha sa pisikal na kaanyuan. Uy, looks can be deceiving kaya!
#4: Hindi ka lang pang-friendzone. Meron at meron yan. Sabi nga ni Ramon Bautista, “Maghanap ka ng babaeng magmamahal sa’yo for who you are, yung babaeng mas pinapahalagahan ang talisay at wagas na pag-ibig at tumitingin sa pagkatao at hindi sa pagka-gwapo, kagalingan sa basketball, sa kagalingan mag-gitara, at higit sa lahat mas pinapahalagahan ang personality.”
Kasi at the end of the day, ang personality at character ang nagka-count. Because that’s what makes them. As human beings, nagiging superficial tayo at unang tinitingnan ang pisikal na kaanyuan and then we judge from there.
Physical beauty fades. Eh 40 years from now, tingin mo ganun pa rin ‘yun? Kung pipili ka lang ng taong mamahalin base sa itsura niya, mababaw ‘yun. Sabagay, ego booster nga naman kung maganda o gwapo ang girlfriend/boyfriend mo. Pero ano naman?
Inner beauty is what makes a person. And that’s what stays. ‘Yun sila eh.
Para sakin dati, madalas nagiging superficial ako. Magkakacrush ka nga naman kasi sa gwapo/maganda dba? Pero na-realize ko hindi lang lahat ganun.
Physical beauty gets the attention, but personality captures the heart. Kaya madalas kapag nagkakagusto ako sa mga taong normally in a sea of people, hindi ko mapapansin, nagtataka ako; nagugulat na biglang ganun. Pero ganun eh, drawn ka sa personality at character na meron sila.
Dati madalas natatanong ko, “Lord bakit puro jerks naman sila? Eh ang gusto ko lang naman talaga yung nice guy.” Although that taught me lessons. At ang nakakatawa, tuwing merong nice guy.. naf-friendzone nga. Pero ‘pag may nice guy na nagkakaroon ng ‘something’(hahaha), natatakot naman ako at lumalayo sa kadahilanang takot ka lang masaktan na katulad kila jerk guys. At marami pang rason at excuses para hindi ko lang sila magustuhan(pero fail pa rin kasi nga gusto mo talaga eh haha). Pero lagi ako nare-remind na hindi lahat katulad nun.
Pero infairness, maaaring ngayon friendzone ka sa kanya pero years later marerealize nya ikaw pala hinahanap nya. Ayun oh! Hahaha!
Basta, ang magandang love story mo na matagal mo nang hinihintay… si Lord ang may gawa! Kaya dapat excited ka kung wala ka pa nun! :))))